Nakakamanghang Lugar na Matatagpuan sa Italia na tinaguriang ”Paraisong di totoo”

Paraisong tila naligaw sa ating panahon, mahuhulog ang inyong loob sa nakatagong yaman ng Italia tulad ng kanilang tanawin at kultura! Ang tawag sa lugar na ito ay probinsiya ng Salerno, Campania bandang kanlurang bahagi ng Italia kung saan matatagpuan ang kanilang tinatagong ganda ng Furore Village.

Maraming pinagmamalaki ang lugar na ito dahil sa ganda ng tanawin at disenyo, halos makalaglag puso dahil sa yamang taglay nito. Marami silang tradisyon na ginaganap at mga kulturang dekorasyon. Ang Furore ay sikat sa mga naghahanap ng pwedeng mapasyalan sa buong mundo. Noong unang panahon, maliliit na bahay lamang ang makikita sa tabing gilid ng bundok na may tanawin na dagat kung saan makikita ang Furore. Sa lugar na ito ay halos walang nagkukumpulan na bahay at wala silang pinaka bayan na lugar kung saan nagtitipon tipon ang mga tao. Dati, ang daan na patungo sa mga bahay o hagdan na daanan ay hindi nakikita kapag ika’y nasa karagatan.

Ang mga naglalakbay patungo dito ay hindi rin napapansin na may nakatago pa lang ganitong ganda ang Furore Village na tinagurian ”Paraiso na hindi totoo”

Dumaan ang ilang taon at nagpasya ang mayor na buksan sa publiko ang lugar nila upang makilala sa buong mundo ang ganda ng Furore. Pinatupad ng mayor na dapat pinturahan ng makukulay ang kanilang bahay upang makita agad ito ng mga taong papasyal sa kanila at mabighani ang mga tao na bibisita rito, ito rin ang kanilang tradisyon na sining.

Ang kanilang tradisyon ay nagbigay daan upang makilala sila at mapansin ng mga turista lalo na ang mga mahilig sa sining, ipinagdiriwang din dito taon taon ang sining at pagdedekorasyon ng mga bahay at paligid tuwing setyembre.

Ito ang pinakamatagal na parte ng Furore kung saan makikita ang maganda tanawin ng dagat at tulay na humihiwalay sa kabilang bahay ng ibang mangingisda at daan papunta sa kabilang barangay. Ang tulay na Fjod ay may taas na 30 metro, at ito ang nangunguna sa pagdiriwang ng Internation Diving Championships taon taon.

May ibang parte ng Furore ay ginawang bar at gift shop upang mas tangkilikin ito nga mga turista, mapapakita rin nila dito ang kanilang talento sa sining. Ang mga lumang bahay ay pinagawa upang magamit, pinahalagahan nila ang mga sagradong museo, at maraming hardin na museo na puno nang kanilang tradisyonal na sining. Sa tanghali, ang araw ay nawawala sa may Gorge kung saan mayroong malinis na tubig dagat na pwedeng maligo at magbabad sa araw at may magandang tanawin, naging patok ito sa mga turistang bumibisita sa Furore.

Ang magandang bundok na tanawin, sining, makukulay na bahay, nakakarelaks na dagat, mayaman na tradisyon at ang tinatagong kwento sa lugar ng Furore ay isang perpektong ihemplo para puntahan at tangkilikin ng mga tao. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Mag ayos na nang gamit at kumuha na ng ticket patungo sa nakatagong paraiso!

Sources: Elite Readers/ Amusing Planet