Kilalanin si Mona Lisa ng The Seine, ang babaeng pinaka nahalikan sa buong mundo!

Isa sa pinaka tinitignan na imahe sa International Life Cast Museum sa Boston at tinagurian “Inconnue de la Seine’ o hindi kilalang babae na natagpuan sa River of Seine, France. Si Mona Lisa ay mayroong napakagandang ngiti na maraming naaantig at ginawang inspirasyon sa tula at kwento sa mga sumunod ng panahon.

Ang kanyang ngiti ay nakakabighani subalit ang kanyang kwento ay punong-puno ng kamangha-manghang misterio. Noong ika-siyam na siglo, ang isang walang buhay na katawan ng isang babae ang natagpuan sa ilog ng Seine sa Paris. Nagulat at nahumaling ang mga tao sapagkat ang bangkay na ito ay napaka payapa at nababalot ng isang mala-anghel na ngiti. Sa panahong iyon ang lahat ng mga di nakikilalang bangkay ay nilalagay sa tipak ng marmol at ginagawang display sa morgue upang makita ng publiko. Siya ay pinagkaguluhan ng mga mamamayan ng Europa dahil sa angkin nitong kagandahan. Ang nakakatakot at kakaibang pamamaraan na ito ay isang uri ng kasiyahan nuong unang panahon para sa mga Europeans.

Ang kanyang napakagandang mukha at mala-anghel na mga ngiti ang nag bigay inspirasyon sa mga patologo na imolde ang kanyang mukha sa isang palitada.
Ang palitada na iyon ang nag mistulang simbolo ng mga popular na fixture sa samu’t saring fashion shops sa Europe. Iba’t ibang kwento at tula ang nabuo at ini-alay sa iskulturang ito upang mabigyan ng naiibang pagkakakilalanlan.


Sa mukha din niya hinulma ang sikat na 1900 novella ni Richard Le Galliene na “The Worshipper of the Image” o ang sumasamba sa imahe. Sa sikat na German movie na “Die Unbekannte” nuong 1936 ay hango din sa storya ni Mona Lisa ng The Seine.

Ang kanyang imahe din ang naging inspirasyon sa ginagamit na Rescuci Anne na manika o mas kilala bilang ang training doll na ginagamit sa CPR training.
Isang Norwegian doll maker na si Asmund ang lumikha sa manikang ito. Dahil sa kagustuhan ni Asmund na makatulong sa mundo ng medisina, particular na sa first-aid method, ay nalikha niya itong manikang ito. Si Asmund ay nabigyan ng karapatan ni Dr. Peter Safar na ihulma ang manikang ito sa imahe ng Mona Lisa ng The Seine. Si Dr. Safar ay isang tagapanguna sa first-aid method ng mouth-to-mouth resuscitation.


Ginamit niyang inspirasyon si Mona Lisa ng The Seine dahil sa dalawang bagay: una, ay dahil muntik ng malunod din sa ilog ang kanyang anak, ang pangalawa ay, dahil gusto niyang bigyan ng pang-alaala ang walang pangalan na imahe.

“Dahil siya ay walang pagkakakilanlan at nananatiling isang malaking palaisipan, hindi natin kayang dungisan ang kanyang pagkakailanlan, bagkos ang kaya lang natin gawin ay ipatama sa kanya ang ating mga pangarap.”, ayon kay Asmund.

Ang katotohanan sa kanyang imahe ay isa pa ding malaking palaisipan hanggang sa ngayon.
Si Chief Brigadier Pascal, ang namumuno sa Brigade Fluviale na may hawak at responsable sa mga natatagpuang patay o nalunod sa ilog ng Seine ay nasurpresa ng malamang ang natagpuan nilang katawan nuon ay isang sikat na imahe na ngayon.

“Lahat ng nakikita naming sa ilog, lahat sila hindi kasing payapa ng itsura kagaya ng kay Mona Lisa. Ang iba, talagang nabubulok na, hindi na kanais-nais ang mga lagay.”, ayon kay Pascal.

Ayon naman kay Michel, may ari ng isang molder workshop sa Paris, ay buhay pa daw si Mona Lisa ng Seine ng siya ay ginawan ng imahe.

“Sa tingin ko isa ay siyang propesyonal na modelo.”, ayon kay Michel.
Buhay man siya o hindi nung panahong ginawan siya ng imahe, isang bagay pa din ang totoo. Si Mona Lisa ng The Seine ay mananatiling ang pinaka nahalikan babae sa mundo.

Sources: Elitereaders/amusing planet