Pictures ng mga Pusang tila magaling sa KARATE, Viral sa Social Media

Maraming nagsasabi na tamad ang mga pusa. Ngunit maaaring magiba ang pananaw ng karamihan pagkatapos nila makita ang litratong nakuhaan. Baka isipin natin na isa sila sa mga ninja na lihim sa panahon ngayon ng dahil sa nakuhaan na litrato.

Kung titignan natin ang litratro na nakuhaan ng isang hapon na photographer na nagngangalang Hisakata, makikita natin na mukhang nag e-ensayo ng martial arts move ang dalawang magkaibigan na pusa.

Mapapaisip ka dahil kung sisiyasatin natin ang litrato ay tila sumusuntok at sumisipa ang mga ito.

Dahil dito hindi napigilan ng mga tao o netizens sa social media na ikumpara ang mga pusang ito sa mga ninja.

Karamihan sa mga litrato nang ninja cats ay nakapost sa kanyang Instagram at Twitter page.

Hindi nakakagulat na sisikat talaga ang litratong ito dahil sa kakaibang taglay ng mga pusang nag mamartial arts at dahil sa nakakaaliw din ang mga ito, sobrang cute pa.

Madaming namangha sa litratong nakuha ni Hisakata lalo na ang mga mahilig sa puso. Nahumaling din ang mga ibang tao na kahit hindi mahilig sa pusa pero ngunit dahil sa kilos ng mga ito sa litratro ay nakakamangha talaga.

Naabot na rin sa ibang bagong websites ang litratong ito. Isang tingin pa lamang sa litratro sa kanyang Instagram account ay umani na ito ng 2000 likes.

Kaya naman sa ninja turtles, magsitabi at kabahan na kayo, at may bagong ninja na ang papalit sainyo.

Ngayon ay nasaksihan natin na palihim pala nag e-ensayo ang mga pusa.

Ayon sa Sora News, nalaman nila na matagal ng naantig ang kanilang puso sa mga munting pusa na ito. Ang kaibahan lamang sa kuha niyang litrato ay sobrang bibo ng mga pusa imbes na kukuhaan niya ang seryosong seryoso na mukha at yamot na itsura nila.

Para naman sa mga mahilig sa pusa maaari ninyong makita ang litrato na kuha ni Hisakata sa kanyang Intagram at twitter page. Bukod sa mga iyon ay maaari niyo din makuha ang kanyang libro na pwedeng bilhin sa Amazon.

Photo Source: Hisakata Hiroyuki